PatrolPH

Pediatrician nanawagang ibalik sa Abril, Mayo ang student vacation

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2023 04:32 PM

People take a dip at the Daranak Falls in Tanay, Rizal on March 28, 2023, a few days after PAGASA declared the start of the dry season in the country. Climate projections by the state weather bureau show that El Niño will begin by the third quarter of 2023 or between July and September, and will last until next year. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Pabor ang isang pediatrician sa panawagang ibalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante para makaiwas sa heat exhaustion. 

Sinabi sa Teleradyo nitong Miyerkoles ni Dr. Cynthia Cuayo Juico, pediatrician sa Manila Doctors Hospital, na mas peligroso kung ma-heat stroke ang mga estudyante kumpara kung mabasa sa ulan. 

"Ang mga bata po kasi, hindi natin masabing 'Kailangan kang uminom ng tubig eh'. Nalalaglag nga yung mga baon nilang tubig eh, di ba? Hindi naman nila pwedeng ibuhos o ipampaligo nila kahit init na init na sila," ani Juico. 

Paliwanag niya, mahirap para sa mga bata ang pangalagaan ang kanilang sarili lalo't hindi naman sila madalas uminom ng tubig. 

Bukod dito, kulang din sa mga bentilasyon ang mga silid-aralan sa bansa. 

Ilang mambabatas ang humirit nang ibalik sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante. 

Dati nang iniurong sa Hunyo at Hulyo ang bakasyon tuwing school year dahil sa madalas na pagtama ng mga bagyo. 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.